Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito ay isang likas na katangian na ikinaiba ng tao sa ibang nilalang. Nilikhaang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos. Binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang at binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong. Niloob ng Diyos na tao ay mamuhay nang may kasama at maging panlipunang nilalang o social being at hindi ang mamuhay nang nag-iisa o solitary being. Kaya't ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of human being. (Pontifical Council for Justice and Peace,2004)
ANG PAKIKIPAGKAPWA
Pakikipagkapwa-tao'y dapat na malinang;
Aspektong intelektuwal, politikal, panlipuna't pangkabuhayan
Lubhang mapagyayaman sa pakikipag-ugnayan.
Pangangailanga'y madaling matugunan
Sa pagkakaroo't pagiging bahagi ng mga samahan
Nalilinang ating kusa't pagiging mapanagutan.
Pati na ang pagtataguyod sa ating karapatan.
Paano pakisamahan ang taong mapagmalaki?
Ayaw makiisa, lubha pang makasarili?
Huwag magpaapekto at magpakagalit.
Kabutihang panlahat ang ating laging isaisip.
Pakikipagkapwa'y linangin nang may pagmamalasakit
Laging isipin na kapwa'y kapantay, katulad din natin.
Sa bawat salita't kilos, iwasang makasakit,
Nakabubuti sa atin, sa kapwa'y gawin din.
Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan,
Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran
Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan,
Kapanatagan,kaligayahan at kaganapan,
Ating ngang makakamtan. -ecm
Makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa. Sa buong mundo, kinikilala ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapawa(Golden Rule). Marami sa mga relihiyon sa buong mundo ang naniniwala sa kahalagahan ng mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa -"Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo"; "Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili"; Makitungo sa kapawa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka." Naipakita rin sa Parabula ng Mabuting Samaritano (http://en.wikipedia.org/wiki/ ParableoftheGoodSamaritan) kung sino ang ating kapwa at kung paano tayo dapat makitungo sa ating kapwa; ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal.
Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal(charity).
Kaya nga, una munang kailangang matugunan ang pagbibigay ng nararapat sa kapwa. kailangan ang katarungan upang maibigay ang nararapat, na walang iba kundi ang paggalang sa kanyang dignidad. Subalit mayroong mga bagay na maari nating ibigay nang higit pa sa itinatakda ng karapatan at katarungan, ito ay ang mga bagay na ayon sa ating pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa(Dy2012).
Narito ang ilang mga halimbawa:
I. Bawat bagay na materyal ay may katumbas na halaga, kaya't makatarungan lang na kung aariin nating ang isang bagay ito ay ating babayaran ng katumbas na halaga. Subalit kung isang bagay ay ibinigay mo nang walang hinihinging kapalit, tulad ng regalo, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit o pagmamahal.
II. Dahil nais mong mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at makaiwas sa dengue, ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagkusang maglinis. Hindi ninyo inaasa lamang sa mga taga-linis ang responsibilidad na ito - ang iyong paglilingkod ay nagpapakita ng pagmamahal.
III. Maraming naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at kalamidad. Nagpakita ka ba ng pagmamalasakit at pagmamahal? Nagbigay ka ba ng donasyon o nagboluntaryong naglingkod sa mga nangailangan ng tulong
Kung ang pakikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo upang ikaw ay maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nahahanda kang ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.
Betting in your city - Sporting 100
ReplyDeleteBetting 안전한 바카라 사이트 in your 에그 벳 city - 도레미시디 출장샵 Sporting 토토 사이트 추천 100 1xbet korean